Kabuuang isanlibong Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya simula Nobyembre hanggang Disyembre.
Sa datos mula sa Bureau of Corrections (BuCor), kabilang sa mga pinalaya ang 625 na nakumpleto na ang kanilang maximum na sentensya; 134 na inabswelto; at 38 na on probation.
Mayroon ding 190 na tumanggap ng parole at labing isa na pinalaya sa pamamagitan ng habeas corpus.
Dahil dito, sinabi ng BuCor, na umabot na sa 18,422 PDLs ang nakalaya simula nang maupo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ang Bureau of Corrections ay isa sa mga attached agency ng Department of Justice.