PINAYAGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit ng mga Provincial Bus sa EDSA ng Around-The-Clock simula Dec. 24 hanggang Jan. 2 upang ma-accommodate ang mga biyahero sa Holiday Rush.
Nilinaw naman ng MMDA na bago ang Dec. 20 hanggang 23, pinahihintulutan lamang ang mga bus na dumaan sa Main Highway sa pagitan ng alas diyes ng gabi hanggang ala singko ng umaga.
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, ang kanilang hakbang ay upang matiyak ang mas mabilis na pagbalik ng mga bus at makapagsakay ng mas maraming pasaherong bibiyahe, papunta at paalis ng Metro Manila sa Christmas Season.
Bahagi ito ng pinalawak na Holiday Traffic Management Plan na binuo ng ahensya, kasunod ng Consultative Meetings, kasama ang Mall Operators, Department of Public Works and Highways, Concerned Agencies, at Utility Companies. Sa ilalim ng plano, limitado ang Mall Deliveries sa gabi habang ang Mall-Wide Sales ay sa Weekends lamang, at ang Weekday Operating Hours ay gagawing 11 A.M. hanggang 11 P.M., simula sa Nov. 17.




