POSITIBO ang Department of Agriculture (DA) na magtutuloy-tuloy ang matatag na Farmgate Prices ng palay.
Ito’y matapos aprubahan ng Pamahalaan ang pagpapalawig sa Rice Import Ban hanggang sa katapusan ng 2025.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na epektibo ang Extension noong Nov. 1, bagaman hinihintay pa ng ahensya ang ilalabas na Final Order.
Inihayag naman ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, na simula ng ipatupad ang Import Ban, tumaas ang Farmgate Prices ng palay sa 14 pesos per kilo at sa ilang lugar ay umaabot pa sa 16 pesos per kilo.
Kumpara ito sa 8 pesos hanggang 10 pesos per kilo na naitala sa pagsisimula ng Peak Wet Harvest Season.
