NASAGIP at nilapatan ng lunas ng mga tauhan ng 8th Infantry Division (8ID) ang isang sugatang rebelde kasunod ng engkwentro sa Las Navas, Northern Samar.
Ang Guerilla na kinilala lamang sa Alyas “Bentoy,” ay kabilang sa labing apat na kalalakihan na nakasagupa ng mga sundalo sa Barangay Mabini.
ALSO READ:
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Tumakas ang armadong kalalakihan subalit natagpuan ng mga humahabol na sundalo si Bentoy sa kalapit na Barangay Lakandula.
Ginamot muna ng mga sundalo ang sugat nito sa binti bago ibiniyahe patungong Catubig District Hospital.
