NANANATILING nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamahala sa bansa sa gitna ng mga ulat ng posibleng impeachment complaint laban sa kaniya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nananatili din namang “unsupported” ang mga ulat ng reklamo laban sa pangulo lalo at ang mga pahayag ay mula sa tagasuporta ng ilang politiko.
Magugunitang sa panayaman ng Bilyonaryo News Channel sinabi ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na maaaring maharap sa impeachment complaint si Pangulong Marcos.
Ito ay dahil aniya sa “Betrayal of Public Trust” makaraang pabayaan umano ng pangulo na mabalahura ang pambansang Budget sa nakalipas na tatlong taon.
Imposible ayon kay Erice na sa loob ng tatlong taon ay hindi alam o walang alam ang executive department sa nangyaring pagmamanipula sa Budget.




