Dinakip ang isang human trafficker nang dumating ito sa Pilipinas kasabay ng mga OFW na nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan matapos mabitkima ng human trafficking sa Myanmar.
Nakilala ang suspek na si Jatnel John Rosario Japal, na inaresto makumpirma ang kanyang pagkakasangkot sa illegal recruitment at human trafficking.
Si Japal ay kasalukuyang nakakulong sa NBI Detention Facility matapos sumailalaim sa online inquest proceeding.
Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng mga otoridad upang tuluyang buwagin ang mga sindikatong sangkot sa human trafficking at hinihikayat ng DMW ang iba pang biktima ni Japal na lumantad at magbigay ng kanilang testimonya.
Nananawagan ang DMW sa iba pang naging biktima ni Japal na magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng DMW-MWPB para sa libreng tulong-legal.