NAILIPAT na sa kustodiya ng Kamara mula sa National Bureau of Investigation (NBI) si Cassandra Li Ong na iniuugnay sa sinalakay na Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.
Pasado alas dose ng tanghali, kahapon nang dumating ang sasakyan ng NBI sa compound ng Kamara sa Quezon City.
DND chief, nagpaliwanag kung bakit hindi kinausap ang Chinese Counterpart sa Defense Ministers’ Meeting sa ASEAN
ICC, Remedial Measure lang; pagbuo ng Independent People’s Commission, kailangan nang madaliin
Dating Cong. Zaldy Co, wala pang sagot sa reklamong nag-uugnay sa kanya sa Flood Control Scandal
DOJ, sinubpoena ang mga respondents sa 5 Ghost Flood Control Projects sa Bulacan
Opisyal na tinanggap ni House Sergeant-at-Arms, Retired Police Major Gen. Napoleon Taas si Ong bago mag ala una ng hapon, kasama ang turnover papers mula kay NBI Assistant Director Winmar Ramos.
Noong Huwebes ay naglabas ang Kamara ng kautusan para i-kustodiya si Ong at i-detain sa pasilidad sa batasang pambansa compound sa Quezon City sa loob ng tatlumpung araw.
Una na siyang na-cite in contempt bunsod ng pang-iisnab sa mga pagdinig ng house panel sa mga iligal na POGO.
