SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda ng Pilipinas at United Arab Emirates sa isang makasaysayang Free Trade Agreement sa Abu Dhabi.
Ang kasunduan ay tinawag na Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA at ito ang kauna-unahang Free Trade Pact ng Pilipinas sa isang bansa sa Middle East.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Layunin ng kasunduan na pababain ang taripa, palawakin ang kalakalan at pamumuhunan, at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino sa UAE.
Inaasahan na sa ilalim ng CEPA mas mapapaigting ang Philippine exports sa UAE ng 9.13 percent.
Dumalo din sa signing ceremony si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.
