HINDI pinagbigyan ng COMELEC ang hiling ng election observers mula sa European Union (EU) na magkaroon ng access sa polling centers sa halalan sa Mayo a-dose.
Inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia na sinabihan ng EU observers ang poll body na hindi sila maaring pagbawalan sa loob ng mga presinto dahil labag ito sa international standards.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Gayunman, ipinaliwanag ni Garcia na hindi maaring payagan ang mga dayuhan na magpakalat-kalat sa mga polling precinct sa mismong araw ng eleksyon.
Sinabi ng poll chief na malaya namang makagalaw ang mga bisita na kanilang pinayagan para mag-obserba sa ngalan ng transparency, subalit masyadong marami ang mga ito na halos umabot sa tatlundaan.
Tinukoy din ni Garcia na alinsunod sa Omnibus Election Code, limitado lamang ang bilang ng mga indibidwal na pinapayagan sa loob ng presinto habang isinasagawa ang halalan.
Idinagdag ng COMELEC chief na handa ang Commission En Banc na harapin ang posibleng consequences ng kanilang pagtanggi, matapos silang balaan ng EU observers.
