20 May 2025
Calbayog City
National

20 pesos per kilo na bigas, magiging available sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng DMW-DA partnership

NAKIPAG-partner ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Agriculture (DA) para gawing available ang bente pesos na kada kilo ng bigas sa mga Overseas Filipino Worker at kanilang mga pamilya.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ang kanilang hakbang ay pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing accessible sa mga pamilyang Pinoy ang dekalidad at murang bigas.

Ayon kay Cacdac, malapit nang mabili ang murang bigas sa kadiwa ng pangulo sa DMW Central Office sa Mandaluyong City.

Samantala, nakikipag-ugnayan din ang DMW sa DA para suportahan ang mga OFW at kanilang mga pamilya na nais mamuhunan sa agribusiness sa pamamagitan ng National Reintegration Program.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.