24 June 2025
Calbayog City
National

PCG, walang na-monitor na Chinese reclamation activities sa Bajo de Masinloc

WALANG na-monitor na anumang konstruksyon o reclamation activities ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na bukod sa maritime domain awareness flight na isinasagawa ng coast guard at regular na pagpa-patrol ay wala naman silang nakikitang reclamation na ginagawa sa Bajo de Masinloc.

Idinagdag ni Tarriela na ang tanging hamon lamang sa kanila ay makalapit o makapasok sa Shoal.

Una nang nagbabala si National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na anumang pagtatangka ng China na gawing isla ang Bajo de Masinloc ay maituturing na pagtawid sa “Red Line.”

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.