TUMAPON ang molasses o pulot mula sa MT Mary Queen of Charity sa katubigang sakop ng Sagay Feeder Port, sa Sagay Negros Occidental.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 300 metric tons ng molasses ang naikarga na sa motor tanker mula sa truck para ibiyahe nang mapansin na nagkaroon ng discoloration o pagbabago ng kulay sa tubig sa paligid ng barko.
Agad ipinag-utos ng PCG Response Team na itigil ang pagkakarga ng molasses at in-assess ang nakapaligid na tubig, habang nakapagsagawa na ng water sampling ang Marine Environment Protection Unit ng ahensya.
Ongoing din ang containment at recovery operations ng PCG subalit hindi pa matukoy kung gaano karaming pulot ang tumapon sa dagat.