EMPOWERING Collaboration, Embracing Transformation”, iyan ang tema ng ikasiyam na founding anniversary ng Hemasuto Builders noong December 11, 2024.
Nagsimula sa isang motorcade ang simpleng pagdiriwang na sinundan ng salo-salo sa Hemasuto Builders compound sa Maharlika Highway, Sitio Talahib, Brgy. Trinidad, Calbayog City.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Sa kanyang opening remarks, pinasalamatan ni Dominador Layong, Jr., General Manager ng Hemasuto Builders ang pagpapaunlak sa imbitasyon ng mga dumalo.
Sa inspirational message naman, inalala ni Henry Sharky Mancol, o Mr. M, CEO ng Hemasuto Builders, ang mga pagsubok na pinagdaanan ng kompanya noong nakaraang taon at kung paano nila ito nalampasan.
Pinuri din niya ang mga mga empleyadong nanatili at hindi umalis nang habang nakararanas ng krisis ang kompanya.
Nagbigay din ng mga patutoo at pasasalamat ang ilang manggagawa ng Hemasuto Builders bilang patunay ng kanilang magandang karanasan sa kumpanya.
