6 December 2025
Calbayog City
National

Awit at panata ng Bagong Pilipinas, ipinag-utos  na isama sa flag raising ceremonies

awit at panata

Inobliga ni pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan, mga kumpanyang pag-aari ng pamahalaan, at mga pampublikong paaralan at unibersidad na isama ang awit at panata ng Bagong Pilipinas sa lingguhang flag ceremonies.

Ayon sa Malakanyang, ang “Bagong Pilipinas” na tatak ng pamamahala ng Marcos Jr.  Administration, ay matatawag na “principled, accountable at dependable government” na suportado ng mga mamamayang aktibo at binigyan ng kapangyarihan.

Ang himno na “Panahon ng Pagbabago” ay panawagan sa mga Pilipino na magkaisa para sa Bagong Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusumikap, suportahan ang lokal na produkto at serbisyo, maging magalang  at maging mahusay sa kani-kanilang larangan upang mabigyan ng karangalan ang bansa.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *