11 July 2025
Calbayog City
National

Halos 800 million pesos na halaga ng Irrigation Equipment, itinurn-over ni PBBM sa NIA Offices

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng 799.56 million pesos na halaga ng Irrigation Equipment bilang bahagi ng Refleeting Program ng National Irrigation Authority (NIA).

Ang distribusyon sa Taguig City ay ikatlong bugso ng programa na may kabuuang 229 units ng bulldozers, backhoe, dump truck, coasters, drones, at iba pang kagamitan para sa operasyon at maintenance ng irrigation facilities sa buong bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na umaasa siyang bibilis ang pagsasaayos ng mga nasirang irigasyon, maging ang pagtatayo ng mga bagong patubig.

Idinagdag ng pangulo na kapag maayos ang irigasyon, mas marami ang ani, mas maganda ang kalidad ng mga produkto, at mas malaki ang kita ng mga magsasaka.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).