8 July 2024
Calbayog City
Overseas

Halos 60 Pilipino sa Lebanon, humiling ng repatriation sa gobyerno

lebanon

Limampu’t siyam na Pilipino sa Lebanon ang humiling ng repatriation makaraang isailalim ang naturang bansa sa alert level 3 bunsod ng tumataas na tensyon sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hezbollah.

Ayon kay Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat, natanggap nila ang mga aplikasyon para sa repatriation noong linggo, at inaasahang madaragdagan ito sa darating pang mga araw.

Sinabi ni Balatbat na mula sa 59 Filipinos na nagpahiwatig ng intensyon na umuwi sa Pilipinas, tatlo lamang ang naka-base sa Southern Lebanon kung saan isa pang tensyon ang umiigting sa border ng Israel.

Karamihan aniya sa mga aplikante ay mula sa kabisera na Beirut, pati na sa Mount Lebanon area.

Sa tala ng pamahalaan, nasa 17,500 Filipinos ang naninirahan sa Lebanon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *