30 January 2025
Calbayog City
National

Halos 30, nalunod sa nakalipas na Semana Santa, ayon sa PNP; PCG, walang naitalang untoward incidents

semana santa

Umabot sa dalawampu’t siyam ang nasawi sa katatapos lamang na paggunita ng Semana Santa dahil sa pagkalunod habang tatlo pa ang nawawala.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, kabuuang limampu’t anim na holy week-related incidents ang naitala, kabilang ang tatlumpu’t apat na nalunod.

Sinabi ni Fajardo na nagsimulang makatanggap ng drowning incident reports ang PNP noong Miyerkules Santo, Marh 27, nang magsiuwian sa mga probinsya ang mga tao para sa long weekend.

Karamihan aniya sa mga insidente ay nangyari sa mga beach, private resorts, at mga ilog.

Ang rehiyon ng Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamaraming insidente ng pagkalunod na nasa sampu, sumunod ang Ilocos region at Cagayan Valley  na mayroong tig-anim at Bicol region na mayroong limang nalunod.

Samantala, walang naitalang untoward incidents sa mga seaport sa katatapos lamang na Semana Santa, ngayong nagsisimula nang magsibalikan sa Metro Manila ang mga nagbakasyon sa mga lalawigan, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na bagaman bumuhos ang ulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga nakalipas na araw ay nananatiling kalmado sa kabuuan ang lagay ng karagatan.

Inihayag ni Balilo na kabuuang 173,000 outbound passengers ang na-monitor, kabilang ang 152,000 na naitala noong Sabado de Gloria.

Idinagdag ng PCG Official na ilang seaports ang nakaranas ng bahagyang delay sa mga biyahe, subalit nananatili pa rin namang manageable.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *