DINAKIP ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang dayuhan at dalawampu’t apat na Pilipino sa Cavite dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang uri ng scams.
Sa press briefing, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na naaresto ng NBI Cybercrime Division ang mga banyaga na kinabibilangan ng tatlong tsino at dalawang malaysians, pati na mga pinoy, sa isang subdivision, sa Kawit.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Inihayag ni Santiago na ang dalawampu’t apat na pilipino ay kabilang sa nagsasagawa ng iba’t ibang scams, gaya ng romance, investment, crypto, at impersonation scams, sa ilalim ng pangangasiwa ng mga dayuhan.
Samantala, ayon naman kay NBI Cybercrime Division Chief, Atty. Jeremy Lotoc, ang mga nasakote ay splintered group ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Hub.
Aniya, sa halip na mag-operate sa opisina, ay lumipat ang mga ito sa residential units upang maiwasan na matunton ng mga awtoridad.
