UMABOT sa 25 truckloads ng basura ang nakulekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pakikiisa nito sa idinaos na International Coastal Cleanup Day.
Sa nasabing aktibidad, nasagawa ng paglilinis sa mga coastal areas sa Metro Manila sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa isinagawang cleanup activity, umabot sa 295,600 kilos o 25 truckloads ng basura ang nakoleta ng mga tauhan ng MMDA mula sa Metro Parkway Clearing Group (MPCG).
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, private sector, mga NGO, at mga volunteers.