Umabot na sa 632.6 million pesos ang ibinayad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa sa Eastern Visayas na nasa ilalim ng TUPAD program ngayong taon.
Ayon kay DOLE Regional Mediator-Arbiter, Atty. Cecilio Balena, simula Enero hanggang Agosto ay nasa 269,788 displaced workers ang nakinabang sa Emergency Employment Program.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Sinabi ni Balena na inaasahan nila na marami pang benepisyaryo ang kanilang matutulungan hanggang sa katapusan ng taon, dahil nasa 1.88 billion pesos ang kabuuang budget sa rehiyon para sa TUPAD ngayong 2024.
Mayroon pang 1.25 billion pesos na inilaan para sa naturang programa ngayong taon ang hindi pa naipamamahagi ng DOLE.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng arawang bayad na 405 pesos, batay sa umiiral na daily minimum wage sa Eastern Visayas.