BAGSAK na naman sa bagong record low ang halaga ng piso kontra dolyar.
Nagbukas ang palitan ng piso sa dolyar araw ng Miyerkules sa halagang p59.43 at nagsara ito sa P59.44.
Mas mababa kumpara sa P59.355 na palitan noong January 7.
Paniwala ng mga eksperto humina na ang remittances ng mga Pinoy abroad dahil tapos na ang holiday season.
Tiwala naman ang ilang analyst na hindi naman matindi ang magiging epekto nito sa ekonomiya.
Handa rin anila ang mga negosyante sakaling umabot ang palitan ng piso kontra dolyar sa 60 pesos.




