TATLUMPU’T dalawa katao ang nasawi habang animnapu’t anim na iba pa ang nasugatan matapos bumagsak ang isang construction crane sa umaandar na tren, sa North-Eastern Thailand.
Nadiskaril ng crane ang tren at nadaganan ang mga bagon nito, kabilang ang isa na nasunog.
ALSO READ:
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Libo-libong katao, nagluksa para sa mga biktima ng suicide bombings sa Islamabad
Lalaking nagtangkang i-assassinate si US President Donald Trump, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo
Ayon sa Thai officials, lulan ng tren ang isandaan pitumpu’t isang pasahero nang mangyari ang aksidente.
Naglunsad na ang State Railway of Thailand ng imbestigasyon sa insidente, kasabay ng pagtiyak na gumagawa na sila ng legal na hakbang laban sa construction company na responsable sa crane.
