BUMALIK ang halaga ng piso sa P59-to-a dollar level, sa gitna ng inaasahang hindi pag-abot sa Economic Growth Target ngayong taon.
Sa pagsasara ng palitan, kahapon, bumaba pa sa 59.022 pesos ang Local Currency kontra dolyar, mula sa 58.92 pesos noong Miyerkules.
Noong Lunes ay inihayag ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, na malabong maabot ang ibinaba pang Growth Target na nasa 5.5% hanggang 6.5% na itinakda ng Development Budget Coordination Committee.




