Sa paggunita ng Undas, hiling ni Vice President Sara Duterte na manaig ang pagkakaisa at pag-asa sa bawat pamilyang Pilipino.
Sa kaniyang mensahe para sa Undas sinabi ng bise presidente na isapuso nawa ng bawat isa ang tunay na diwa ng pananampalataya, pagpapahalaga sa mga santo at maalab na pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Aniya, kailangan ding patuloy na ipanalangin ang kapayapaan at katahimikan ng kaluluwa ng mga yumao.
Dapat ding maging inspirasyon ang kanilang alaala.
Payo ni VP Sara sa sambayanan, harapin ang bawat araw ng may pananampalataya, pag-asa at pagmamahal.
