TARGET ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na itaas ang share ng digital economy sa Gross Domestic Product (GDP) sa 12.5 percent pagsapit ng 2028.
Sa pamamagitan ito ng pagpapabilis sa Digital Infrastructure Projects at hikayatin ang mas maraming hyperscalers na mag-operate sa bansa.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, maliit lamang ang ipinagbago sa kontribusyon ng digital economy sa ekonomiya ng bansa, na mula sa 8.6% noong 2023 ay naging 8.5% noong 2024.
Gayunman, pababa pa rin ito mula sa peak na 9.2 percent noong 2021.
Idinagdag ni Aguda na kada puntos na nawawala ay nangangahulugan ng nasayang na oportunidad para sa mas magandang trabaho, mas mataas na sweldo, at kinabukasan ng bawat Pilipino na maging bahagi ng digital age.



