Nai-forward na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) ang kaso ng jeepney driver at operator na nagpababa sa isang pasahero dahil sa pagiging overweight.
Ayon kay LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, nasa LTO na ang kaso ng driver na posibleng ma-suspinde ang lisensya.
Masikip na daloy ng traffic sa NLEX aasahan bunsod ng Net25 Family Fun Run
Balangay Seal of Excellence pormal nang iginawad sa San Juan City LGU bilang unang lungsod sa NCR na naideklarng drug cleared
Mag-amang Jejomar at Jun-Jun Binay abswelto sa overpriced Makati City Parking Building
Rainwater impounding facility itatayo sa loob ng Camp Crame
Noong Lunes ay inihain ng bente nueve anyos na pasahero ang reklamo sa LTFRB.
Aniya, narinig niya ang asawa ng tsuper na nagsabing ayaw nito ng matabang pasahero kaya pinabababa siya ng sasakyan.
Sinabi rin umano ng mag-asawa na kasalanan niya kapag na-flat ang gulong ng jeep.
Inatasan ng LTFRB ang driver at operator na dumalo sa hearing, bukas, June 14.