UMANIB si Makati City Mayor Abby Binay sa Nationalist People’s Coalition (NPC), ayon kay Rizal Cong. At Party Stalwart Jack Duavit.
Sa hiwalay na post sa X, mayroong litrato si Binay habang nanunumpa sa harap ng NPC Members na kinabibilangan ni Duavit, kanyang mister na si Makati Rep. Luis Campos, at Presidential Legislative Liaison Office Head Mark Leandro Mendoza.
Pagrenta ng off-site venue para sa graduation sa mga public school, ipinagbawal sa Maynila
MRT-3, may libreng sakay sa mga kababaihan sa March 8
Vlogger na si Francis Leo Marcos, nakalabas na sa kulungan matapos magpiyansa ng 120,000 pesos
Senior citizen, patay; PWD, nawawala sa sunog sa Intramuros, Maynila
Noong May 18 ay lumagda ang Marcos-Led Partido Federal ng Pilipinas ng alliance agreement sa NPC.
Si Binay ay nasa ikatlong termino na niya bilang alkalde ng Makati habang ang kanyang kapatid na si Nancy ay nasa huling termino na rin nito bilang senador.
Una nang inihayag ni Nancy ang kanyang intensyon na tumakbo bilang mayor ng Makati sa 2025 elections subalit kakausapin muna niya ang kanyang kapatid na si Abby.
