UMABOT sa isandaanlibong customers ang naapektuhan ng Manual Load Dropping (MLD) o Rotational Power Interruptions na ipinatupad noong Lunes ng gabi, bunsod ng red alert na itinaas sa Luzon Grid.
Sinabi ni MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga na ang kakulangan sa supply ng kuryente ay nagresulta sa pagpapatupad ng MLD na tumagal ng dalawampung minuto hanggang isang oras.
Nagsimula aniya ang brownouts ng 8:31 p.m., na nakaapekto sa isandaanlibong customers na karamihan ay sa Bulacan.
Idinagdag ni Zaldarriaga na lahat naman ng serbisyo ay naibalik ng alas diyes ng gabi.