PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension si Bohol Governor Erico Aumentado at animnapu’t walo pang National at Local Officials dahil sa kontrobersyal na pagtatayo ng istruktura sa tanyag sa buong mundo na Chocolate Hills.
Ang mismong gobernador ang nag-anunsyo ng kanyang suspensyon sa pamamagitan ng livestreamed video sa social media page ng lalawigan.
Sinabi ni Aumentado na ang reklamo ay nag-ugat sa Chocolate Hills Controversy, partikular ang pagtatayo ng Captain’s Peak Resort sa Sagbayan.
Sa kanyang announcement, inihayag ni Aumentado na bukod sa kanya ay sinuspinde rin ng Ombudsman ang mga opisyal ng kapitolyo, mga dating Gobernador, Vice Governors, Regional Directors ng Government Agencies at Barangay Officials.
Ipinaliwanag ng gobernador na bunsod ng imbestigasyon sa konstruksyon ng resort ng Senado at Kamara, kaya isinailalim sila sa suspensyon.