8 July 2024
Calbayog City
Metro

Gun runner, arestado sa pagsalakay ng CIDG sa iligal na tindahan ng baril sa Marikina City

ARESTADO sa pagsalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umano’y hindi lisensyadong gun dealer, sa isang iligal na tindahan ng mga baril sa Marikina City.

Sa Press Conference, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na limampu’t tatlong (53) armas ang nakumpiska mula sa bahay ng suspek na hindi pinangalanan.

Kabilang sa mga narekober ang 26 long firearms, 27 short firearms, iba’t ibang klase ng mga bala, pati na major at minor parts, tools, at machines na ginagamit sa paggawa ng baril.

Inihayag din ni Acorda na ang mga customer umano ng suspek ay mga politiko na mayroong private armies, police at military personnel, maging mga high-profile gun enthusiast o mga mahihilig sa baril.

Ang operasyon ay isinagawa batay sa search warrants na inisyu ng executive judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region ng Marikina City.

Inihain na ang reklamong illegal possession of firearms and ammunition laban sa suspek sa Office of the City Prosecutor sa naturang lungsod.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *