NANAWAGAN ang grupong PAMALAKAYA sa pamahalaan na bawiin na ang fishing ban sa Cavite, dahil hindi naman direktang nakaaapekto sa fishing grounds sa lalawigan ang tumapong langis mula sa lumubog na motor tanker sa Manila Bay.
Sinabi ni PAMALAKAYA Vice Chairperson Ronnel Arambulo na mas perwisyo sa kabuhayan ng mga mangingisda ang indefinite fishing ban na ipinatupad sa siyam na coastal towns sa Cavite kung ikukumpara sa oil spill.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Aniya, habang nakasailalim sa fishing ban ang lalawigan ng Cavite ay wala namang regular na suportang natatanggap ang mga mangingisda.
Binigyang diin ni Arambulo na hindi na direktang nakaaapekto sa fishing areas sa Cavite ang tumagas na langis mula MT Terranova.
July 31 nang ideklara ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang state of calamity sa mga bayan ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate, kasunod ng paglubog ng MT Terranova na may kargang 1.4 million liters ng industrial fuel, sa Manila Bay, o tinatayang pitong kilometro mula sa Limay, Bataan.
