BUMAGSAK ng 11 percent ang gross borrowings ng National Government noong Hunyo dahil sa pagbaba ng external debt kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba sa 148.18 billion pesos ang kabuuang inutang noong ika-anim na buwan mula sa 166.49 billion noong June 2023.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Bumulusok ng 30.43% ang gross external debt o sa 15.7 billion pesos mula sa 22.57 billion noong nakaraang taon.
Samantala, bumaba rin ang domestic debt na kumakatawan sa 89.4% ng total borrowings, ng 7.95% o sa 132.48 billion pesos noong Hunyo mula sa 143.92 billion noong June 2023.