NALAGLAG sa medal contention ang Filipina track athlete na si Lauren Hoffman sa Women’s 400-Meter Hurdles matapos kapusin sa kanyang repechage heat, sa Stade De France.
Kailangan ni Hoffman na magtapos ng top 2 upang maka-abante sa semifinals sa kanyang event sa 2024 Paris Olympics.
Gayunman, hindi pinalad ang pinay na makasabay sa kanyang mga katunggali makaraang makapagtala siya ng 58.28 seconds na kulelat sa lahat ng runners sa heat.
Nakapasok naman sa third repechage heat ang mga pambato ng France at Ukraine.