5 July 2025
Calbayog City
Sports

Global Body na World Boxing, binigyan ng International Olympic Committee ng provisional recognition

PINAGKALOOBAN ng International Olympic Committee (IOC) ng provisional recognition ang World Boxing, na isang major step para sa mapabilang ang sport sa Los Angeles 2028 Olympics.

Matatandaan na ang boxing competition sa Paris 2024 Olympics ay pinatakbo ng IOC matapos nitong tanggalan ang International Boxing Association (IBA) ng recognition noong 2023 dahil sa kabiguang magpatupad ng mga reporma sa pamamahala at pananalapi.

Hindi pa isinasama ng IOC ang boxing sa LA 2028 Program, subalit hinimok nito ang National Boxing Federations na lumikha ng Global Boxing Body kung ayaw nilang hindi ito malaro sa Olympics sa susunod na tatlong taon.

Ang World Boxing ay inilunsad noong 2023 at ngayon ay mayroon ng pitumpu’t walong mga miyembro mula sa limang kontinente.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).