PORMAL nang naselyuhan ng Gilas Pilipinas ang kanilang spot sa 2025 FIBA Asia Cup makaraang talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei sa score na 81-64, sa kanilang qualifiers match, kahapon.
Dahil sa pagkapanalo ng tall blacks, ang pilipinas na mayroong spotless 4-0 card sa Group B, sigurado na ang slot ng pambansang koponan para sa kompetisyon na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia, sa susunod na taon.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Kinailangan pang hintayin ng national team ang resulta ng New Zealand – Chinese Taipei Game, kahit na-secure na ng pinoy cagers ang apat na sunod na panalo.
Sa kabila naman ng outright qualification, mapapanood pa rin ang Gilas Pilipinas sa third and final window sa Pebrero.
