DINUROG ng Gilas Pilipinas ang koponan ng hong kong sa score na 93-54, upang mapanatili ang kanilang malinis na record sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers, sa Mall Of Asia Arena, sa Pasay City.
Dahil dito, umakyat sa 4-0 ang Pilipinas sa Group B habang nalaglag naman sa 0-4 ang Hongkong.
Pinangunahan ng youthful tandem nina Kai Sotto at Carl Tamayo ang tagumpay ng pambansang koponan, kagabi.
Dahil dito, ngayong lunes ay maari nang makuha ng Gilas ang outright FIBA Asia Cup Ticket kung matatalo ng New Zealand na mayroong 2-1 ang Chinese Taipei na mayroon namang 1-2 record.