Isang giant Yellowfin Tuna na may bigat na 253 kilograms ang nahuli ng mga mangingsda sa Barangay Rawis, Laoang, Northern Samar.
Ayon sa Northern Samar Provincial Agricultural Office, ang giant na isda ay nahuli nina Bong Opilanda at Rolando Mensorado.
ALSO READ:
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Pangulong Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng mga ambulansya para sa Eastern Visayas
Good Referral System, hiniling ng Eastern Visayas Medical Center sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa ospital
Sa kwento ng dalawang mangingisda, inabot ng tatlong oras bago nila mahila ang isda gamit ang pamingwit.
Pero sa kabila ng sobrang bigat at laki ng isda, nanaig pa din ang matagal nang karanasan sa pangingsda nina Opilanda at Mensorado.
Ayon sa Provincial Agricultural Office, maituturing itong pinakamalaking yellowfin na nahuli sa Northern Samar.