TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas sa mga biktima ng Bagyong Uwan na sapat ang family food boxes sa kabila ng bumabang supply matapos ang pagtama ng magkasunod na kalamidad sa rehiyon.
Sinabi ni DSWD-8 Director Grace Subong na mayroon silang 74,905 family food boxes sa kanilang warehouses, kabilang ang mga naka-preposition sa northern at northeastern parts ng Samar Island, na pinaka-naapektuhan ng Bagyong Uwan.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Aniya, mababa ang naturang bilang sa standard na 160,000 food boxes, subalit mayroong ongoing deliveries mula sa kanilang DSWD Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu.
Umaasa si Subong na matatanggap nila ang replenishment ngayong Linggo.
Naantala kasi ang shipment mula sa VDRC sa rehiyon nitong makalipas na araw matapos suspindihin ang biyahe sa karagatan bunsod ng masamang panahon.
