Tumaas ang Foreign Direct Investments (FDI) inflows sa unang buwan ng 2024, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Umabot sa 907 million dollars ang FDI noong Enero, na mas mataas ng 89.9 percent kumpara sa 478 million dollars na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Inihayag ng BSP na ang tumaas na FDI noong Enero ay sinuportahan ng 173.2 percent growth sa net investments ng mga dayuhan sa debt instruments na naitala sa 820 million dollars mula sa 300 million dollars noong January 2023.
Ang FDI ay tumutukoy sa pumasok na kapital o investments sa isang bansa na hawak ng investors ng ibang bansa, na kumakatawan sa international expansion activities.