MAGSISIMULA na ang matagal ng pinakahihintay na pag-upgrade sa Calbayog Airport sa Samar.
Ibinahagi ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang magandang progreso sa planong upgrade ng Calbayog Airport, kasunod ng kanyang meeting kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Lopez.
ALSO READ:
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Ayon kay Mayor Mon, naglaan ang DOTr ng 50 million pesos para sa runway strip grade correction at panibagong 60 million pesos para sa asphalt overlay ng 300 meters na runway.
Ang naturang improvements ay upang ma-accommodate ng airport ang mas malalaking eroplano at mapagbuti pa ang kaligtasan ng mga pasahero.
Idinagdag ng alkalde na nakikipag-ugnayan ang DOTr sa airline companies upang ihanda ang Calbayog Airport para sa jet operations.
