KUSANG sumuko sa National Bureau of Investigation sa Cebu si Albuera Mayor Kerwin Espinosa.
Kinumpirma ito ni NBI Spokesperson Palmer Mallari kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest ng Cebu Regional Trial Court Branch 14 sa kasong murder na kinakaharap ng alkalde.
ALSO READ:
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing kaso.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Espinosa na kusa na niyang isusuko ang sarili at hindi na hihintaying masilbihan pa siya ng warrant.
Humiling din ng dasal si Espinosa sa mga mamamayan ng Albuera para sa kaniyang kaligtasan.
