7 July 2025
Calbayog City
Local

G-PACT Project, inilunsad sa Eastern Visayas

OPISYAL na inilunsad ang Gendered Actions on Peace, Advocacy, and Community Transformation (G-PACT) Project sa Eastern Visayas, sa Red Iron Hotel sa Calbayog City, Samar.

Layunin nito na isa-lokal ang National Action Plan on Women, Peace, and Security (NAP-WPS) Agenda sa buong bansa.

Sa pamamagitan ito ng pagpapalakas ng kapasidad at partisipasyon ng Civil Society Organizations (CSOs), Women’s Rights Organizations (WROs), at Community-Based Organizations (CBOs).

Ang European Union ang nagpopondo sa naturang proyekto habang ang Calbayog City at Matuguinao ang implementing sites sa rehiyon.

Target ng inisyatiba ang 60 CSOs, WROs, at CBOs, 170 na kababaihan na edad 30 hanggang 59, 180 youth and children, 35 persons with disabilities, at 600 community members.

Ang Consortium ng Volunteer Services Overseas (VSO), Wand Women Organization Inc., Philippine Partnership for the Development of Human Resources in Rural Areas, at United Youth of the Philippines – Women Incorporated ang nagpapatupad ng G-PACT Project, na tatagal ng tatlumpu’t anim na buwan.

Samantala, ang Western Samar Development Foundation Inc. (WESADEF), na isang local Non-Governmental Organization sa Calbayog City ang tutulong sa implementasyon ng proyekto.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).