INANUNSYO ng Israeli Defense Forces na walong sundalo nila ang nasawi sa Southern Gaza, sa isa sa pinakamadugong insidente sa kanilang tropa mula noong Oct. 7 matapos sumalakay ang grupong hamas sa Israel.
Sa preliminary findings, pinasabugan ang armored vehicle na may lulang mga sundalo na bahagi ng convoy, sa Northwestern Part ng Tal Al-Sultan.
ALSO READ:
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
US President Donald Trump, nakisayaw sa mga performer nang dumating sa Kuala Lumpur
10 katao, patay sa Russian Munitions Plant sa Urals
Peru, nagdeklara ng 30 araw na State of Emergency sa Lima para talakayin ang tumataas na krimen
Sinabi ni IDF Spokesperson Daniel Hagari na batay sa nakalap nilang impormasyon, sumambulat umano ang isa sa engineering vehicles sa convoy bunsod ng explosive devices na nakatanim sa lugar.
Idinagdag ng Israeli Military na matindi ang naging pinsala ng pagsabog at mahirap nang tukuyin ang pagkakakilanlan at matagpuan ang mga katawan ng mga sundalong nasawi.
