BALIK na sa Full Operations ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), kasunod ng technical problem sa linya.
Sa social media, inihayag ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na operator ng LRT-2, na bago mag-tanghali kahapon ay matagumpay na naayos ang problema sa Rectifier Substation.
Masikip na daloy ng traffic sa NLEX aasahan bunsod ng Net25 Family Fun Run
Balangay Seal of Excellence pormal nang iginawad sa San Juan City LGU bilang unang lungsod sa NCR na naideklarng drug cleared
Mag-amang Jejomar at Jun-Jun Binay abswelto sa overpriced Makati City Parking Building
Rainwater impounding facility itatayo sa loob ng Camp Crame
Dahil dito, may biyahe na simula Recto Station hanggang sa Antipolo Station, at pabalik.
Samantala, sinabi rin ng LRTA na epektibo pa rin ang Libreng Sakay sa LRT-2, hanggang ngayong Huwebes, gaya ng naunang anunsyo.
Kahapon ng umaga ay nagpatupad ng Degraded Operations ang LRT-2, matapos magkaroon ng problema sa transformers No. 5 at 6, na matatagpuan sa Santolan at Anonas.
Ito ang dahilan kaya nilimitahan lamang ang biyahe ng tren sa pagitan ng Cubao at Recto Stations.