Kumpirmadong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang responsable sa korapsyon sa national budget.
Ayon sa grupong BAYAN MUNA, dapat maging bukas ang pangulo sa imbestigasyon at dapat siyang managot sa kaniyang papel sa flood control scam.
Matapos ang pahayag ni resigned Cong. Zaldy Co, sinabi ng BAYAN MUNA na hindi rin dapat hayaan ng publiko na magamit ito ng Duterte faction para isulong naman ang kanilang agenda.
Dapat ayon sa grupo na kasama ding managot sa sa isyu ng korapsyon si Vice President Sara Duterte dahil sa pagwawaldas sa confidential funds ng OVP at ng pondo ng Department of Education.
Ayon sa grupo, parehong guilty ang Marcos at Duterte dynasties sa paggamit ng kanilang kapangyarihan para maisakatuparan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at korapsyon.




