PINULONG ni French President Emmanuel Macron ang mga kaalyado nito at senior politicians, para sa agarang pagtatalaga ng bagong prime minister.
Nangyari ito isang araw matapos pabagsakin ng far-right at leftist lawmakers ang minority government ng nagbitiw na si Prime Minister Michel Barnier.
ALSO READ:
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Kabilang sa pangalang nabanggit upang maging kapalit ni Barnier ay sina Francois Bayrou na isang veteran centrist politician at malapit na kaalyado ni Macron, gayundin si outgoing Defense Minister Sebastien Lecornu.
Si Barnier na naging prime minister sa loob lamang ng halos tatlong buwan ang shortest-serving prime minister sa modern french history matapos aprubahan ni Macron ang kanyang pagbibitiw.
