Binisita ni Education Sec. Sonny Angara ang mga paaralan sa Camarines Sur na naapektuhan ng nagdaang mga bagyo.
Kasabay ng pagbisita, dinala din ng DepEd sa Gainza Central School ang mga donasyon mula sa UNICEF na kinabibilangan ng teaching packs, student kits, classroom materials, at digital tools.
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Samantala ang Bula Central School ay tumanggap naman ng learning packs at whiteboards mula sa Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+) Project ng USAID.
Nagpasalamat naman si Angara sa UNICEF at USAID sa pagtulong para sa recovery efforts ng DepEd sa mga naapektuhang paaralan.
Nagtungo din si Angara sa Minalabac National High School, na nagtamo ng matinding pinsala dahil sa pagbaha.
Samantala, dumalo din ang kalihim sa inagurasyon ng Academy of Inclusive Learning and Development (iLEAD) na kauna-unahang learning and development center para sa mga guro sa Camarines Sur.
