15 May 2025
Calbayog City
Metro

Bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng EDSA Busway, umabot na sa mahigit 57.3 million

UMABOT na sa 57.3 million na mga pasahero ang naserbisyuhan ng EDSA Busway simula Enero ngayong taon.

Sa datos ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), nakapagala ng kabuuang 57,377,568 passengers sa EDSA Busway mula Jan. 1 hanggang Nov. 30, 2024.

Noong nagdaang buwan ng Nobyembre umabot sa mahigit 5.6 million na pasahero ang naserbisyuhan ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA Busway.

Mayroon namang 317 bus units ang bumibiyahe kada araw sa ruta sa kahabaan ng EDSA. Ayon sa SAICT, mula Monumento hanggang sa PITX, tinatayang aabot lang sa 45 minutes hanggang isang oras biyahe sa Busway.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.