INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang Working Visit ni Timor-Leste Foreign Minister Benito Dos Santos Freitas sa Pilipinas, simula bukas, sa Oct. 21 hanggang 23.
Makikipagpulong si Dos Santos Freitas kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa Oct. 22 para talakayin ang iba’t ibang Areas of Cooperation.
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Hearing ng ICI sa Flood Control Scandal, mapapanood na sa Livestream simula sa susunod na Linggo
Layunin din ng pulong na maghanap ng mga paraan upang mapagbuti pa ang Shared Goals para sa Regional Peace and Prosperity, partikular ang nasa Framework ng Association of Southeast Asian Nations.
Ito ang ikalawang beses na pagbisita sa bansa ni Dos Santos freitas mula nang manungkulan ito noong 2023.
Batay sa tala, mayroong 1,500 Filipinos sa Timor-Leste, na karamihan ay binubuo ng mga propesyonal mula sa larangan ng Education, Administration, Entrepreneurship, at Engineering.
