I-a-adjust ang Operating Hours ng mga Mall sa Metro Manila ng alas onse ng umaga hanggang alas onse ng gabi simula sa Nov. 17.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dahil ito sa inaasahang pagbigat ng trapiko kaugnay ng Christmas Season.
ALSO READ:
Sa Press Conference matapos ang meeting kasama ang Mall Operators, sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na epektibo ang Adjusted Mall Hours tuwing Lunes hanggang Biyernes, maliban sa Weekends at Holidays hanggang sa Dec. 25.
Bukod dito, inihayag ni Artes na pinapayagan lamang ang Mall Deliveries simula alas onse ng gabi hanggang ala singko ng umaga.
Idinagdag ng MMDA chief na limitado lamang ang Mall-Wide Sales tuwing Weekends.




